Image default

Everybody, Sing!, tuloy pa rin daw according kay Vice Ganda

March 15 ang dapat sana’y pilot episode ng Everybody, Sing!, ang musical-comedy game show na ipapalit sana sa nagsarang late-night weekly show ni Vice na Ganda na Gandang Gabi Vice or GGV.

After almost nine years (since May 2011), nag-ere ang last episode ng GGV last March 8, 2020. At bago pa man matapos ang GGV ay nakapag-tape na raw ng tatlong episodes si Vice para sa Everybody, Sing! Kaso nga lang ay inabutan na ng lockdown dahil sa lumalalang Covid-19 medical crisis sa bansa.

Inabutan na rin ito ng cease and desist order ng National Telecommunications Commission nang matapos ang prangkisa ng ABS-CBN noong May 4 at nito lamang July 10, tuluyan na ngang nag-decide ang House Committee on Legislative Franchises ng Kongreso na hindi bigyan ng panibagong prangkisa ang Kapamilya Network.

“It was supposed to air before the quarantine,” panimulang balik-tanaw ni Vice. “Parang a week before dineclare na magla-lockdown ’yon ’yong ano launch dapat no’ng Everybody, Sing! So, hindi siya na-launch, hindi siya na-ere… kasi ang nate-tape ko palang tatlong episodes… kasi kung in-ere namin ’yon tapos wala nang susunod kasi lockdown na, hindi na pwedeng mag-taping. Sayang ’yong show kaya hindi muna siya in-ere.”

Pero dahil uso naman ang online shows ngayon, pwede namang sa online muna ito ipalabas kung sakali. Pero ayon na nga kay Vice, may plano naman daw ang ABS-CBN na ituloy 

pa rin ang show. Baka nga lang daw i-reformat nang bongga.

Oo balak ituloy, balak ituloy ’yonpero sisimplehan nalang kasi originally ’yong Everybody, Sing! parang one hundred  contestants, one hundred participants…e, given the situation now, hindi pwedeng gano’n kalaki. Isi-simplify nila, ire-reformat.”

Ang tanong ay kung may oras pa kaya si Vice para dito kung sakali? Nakatakda na kasing i-launch ang binuo niyang The Vice Ganda Network, isang online platform kung saan lahat ng ganap niya ay doon mapapanood. Katunayan, ang first offering niya ay ang relaunch ng kanyang Gabing Gabi na Vice online show na sinimulan lang niya last May sa Facebook at YouTube.

“Mahihirapan,” pag-amin ni Vice. “Kasi ’yong [It’s] Showtime for now ginagawa namin one whole week live, tapos the following week taped na siya. So nagla-live ako one live episode and one taping everyday. So, ’yong one week ko na taped na ’yong [pinapalabas na] Showtime, doon ako gagawa ng content. So, hindi ko alam kung pa’no ko isisingit ’yon if ever matuloy siya.”

Related posts

10 beses na pinagsigawan ni Ion ang pagmamahal kay Vice on Instagram!

Robb

Vice Ganda continues to entertain and give cash prizes to fans on the online show ‘Gabing Gabi Na Vice’

Robb

Confirmed: Vice Ganda – super starstruck!

Robb

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy