Image default

Pagtulong sa mga apektado ng COVID-19 crisis, “close to home” para kay Vice Ganda

Palabiro man sa kanyang mga TV programs at live shows, hindi maitatangging likas na matulungin ang Kapamilya comedian na si Vice Ganda. 

Napapatunayan ‘yan ng kanyang mga masugid na supporters na nakabantay sa bawat galaw n’ya. Alam nila na kung gaano kabilis ang wit nito sa pagpapatawa ay ganoon din naman kabilis madurog ang puso nito sa mga nangangailangan.


Nakailang ulit nang impromptu siyang nakapagpaabot-tulong sa sinumang nakaantig ng puso niya—sa live episode man ng It’s Showtime, Gandang Gabi Vice, or maging sa Twitter.
Hindi kailanman nagkait ng tulong si Vice kapag may kalamidad na tumatama sa bansa. Hindi man siya physically present sa mga evacuation centers gaya ng ilang celebrities ay asahan na may tulong na laging darating mula sa Unkabogable Superstar. 

At nang tumama na nga ang novel coronavirus [COVID-19] pandemic sa bansa, isa si Vice Ganda sa mga celebrities na agad nagpaabot ng tulong sa mga medical frontliners sa iba’t ibang ospital sa Kamaynilaan. 

Kabilang sa mga supplies na kanyang ipinamahagi ay ang mga N95 masks, medical disposable gloves, safety goggles, gallons of alcohol at disinfectant spray dahil high-risk nga ang mga health workers sa nakahahawang sakit.

Noong nakaraang buwan ng Marso, sa pagdiriwang n’ya ng kanyang 44th birthday, imbis na s’ya ang tumanggap ng regalo ay mas minabuti ng It’s Showtime host na mag-donate ng relief goods para sa mga pamilyadong naapektuhan ng economic repression ng lockdown.

At bago lang matapos ang Mayo nitong taon, naghatid ng pampa-good vibes ang komedyante sa mga medical frontliners sa iba’t ibang ospital sa Metro Manila sa 
pamamagitan ng paghahagtid sa kanila ng kahon-kahong doughnuts.

Kung susumahin ay malamang na milyones na rin ang nagagasta ni Vice sa Covid-19 relief efforts pa lamang. 

Pero walang kaso ito para sa komedyante lalo pa’t may malapit sa puso niya na kasama sa mga nakikipaglaban against Covid-19.

Isa kasi ang kapatid niyang si Dra. Ma. Cristina B. Viceral sa mga magigiting na frontliners ng bansa kaya matatawag ding “close to home” ang pagtulong sa krisis para kay Vice. 

Katunayan, kamakailan lang ay nagbigay pa ang Kapamilya singer-comedian ng tribute para sa kanyang kapatid na frontliner na tinawag n’yang kanyang “kayamanan.”

Ani Vice sa kanyang emotional tribute post para sa kapatid: 

“I have always been proud of you. Pero ngayon nakakaiyak ang pagiging proud ko sayo. Araw araw natatakot ako para sa’yo. Pero araw araw mas ipinagmamalaki kita. Mula pa sa pagaaral ng Medisina hanggang ngayon na Doktor ka na ay kitang kita ko ang mga pagsasakripisyo mo. Dati sabi mo ang dahilan kaya gusto mong magdoktor kasi gusto mo lang alagaan ang lalamun at boses ko. Pero ngayon ang mundo na ang inaalagaan mo. Ang galing! Mabuhay ka! Patnubayan ka ng Diyos! Madlang People sya po ang Ate at kayamanan ko si Dra. Ma.Cristina B. Viceral.”

Related posts

Vice Ganda’s Most Recent #Ravaaan Moments

Robb

Para Happy Naman, Let’s Sing Along To Vice Ganda’s ‘Corona Ba-Bye Na’!

Robb

This Is The True Unkabogable Vice Ganda IG Post! Grabe!

Robb

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy