LIKE most of us, one of Vice Ganda’s go-to daily activities in coping with the stress of the lockdown is to binge watch her favorite movies and series on streaming sites like Netflix and Viu.
“I just want to relax and have fun when I binge watch,” says Vice. “I enjoy watching mostly feel-good series. I avoid series with not-so-happy endings and I dislike watching violence and horrors. I just want to chill and enjoy.”
Here’s what Vice got to say about some of the movies, series and documentaries that she binge watched:
How To Get Away With Murder
“May mga moments na feeling ko na ako si Annalise Keating. Pinanood ko talaga all six seasons nito. Nakakaloka ang loyalty nina Frank at Bonnie kay Annalise. Talagang magkamatayan man, walang silang iwanan. Sobra akong naiyak at na-touch sa ending ng series na ito.”
The Last Dance
“Kahit hindi basketball fanatic feeling ko makaka-relate dito. Nakita ko ang ilang bahagi ng personal journey ko sa istorya nina Michael Jordan, Scotty Pippen, at Dennis Rodman. Nakita ko din ang similarities ng It’s Showtime sa mga ups and downs na pinagdaanan ng Chicago Bulls. Nakaka-inspire ito.”
Crash Landing On You
“Pa-sweet at kilig lang ito. Sobrang feel-good.”
Itaewon Class
“Isa pa ito..nakaka-excite at highlighted dito ang pwedeng mangyari if we really work hard and focus on our dreams.”
Kissing Booth 1 & 2
“Kalma lang itong dalawang pelikulang ito. Sigurado ngingiti kayo pag pinanood ninyo ito. Instant tanggal ang stress!”
The World Of A Married Couple
“Sa Viu ko ito napanood nang buo at natapos ko na ito bago pa man pinalabas sa TV dito sa atin. Slight stressful ang story nito pero nakaka-hook talaga. Hahahaha. Happy din lang ang feels nito lalo na nung natapos ko.”
Whitney: Can I Be Me
“Lukang-luka ako sa istorya ng buhay ni Tiyang Whitney. Nakaka-amaze ang beginnings niya at pag-rise niya sa stardom. Ang dami kong lessons na nakuha sa story niya.”
Pose
“Lahat naman siguro ng mga bakla bet itong Pose. Iiyak ka, tatawa, lahat-lahat na. Roller coaster of emotions pero ang ending ay feel-good pa rin. Ang saya saya lang niya panoorin. Bongga ang mga vaklah sa New York dati ang taray taray nila!”
Goblin
“Napakaganda ng story nito at ng characters. Hirap din bitawan nito. Talagang nakalimutan ko ang stress sa kapaligiran ko nung pinapanood ko ito.”